hello.
gagawin ko lang itong simple at natural.
ang dami kasi dyan na sumusulpot upang magpahanga, magpakitang gilas, o di kaya magpasikat.
para saan? para sa ano? para kanino?
kung ibabalik mo sa akin ang tanong ko... ito ang mga sagot ko.
sa tingin ko, masyadong mabilis ang pagtravel ng synapses sa aking utak. ang daming impormasyon ang patuloy-tuloy sa pag-ikot. (matunganga lang ako saglit, ang layo na ng dinaloy ng imahinasyon ko.) ang dami nang pumasok, madami na rin ang lumabas kasabay ng hangin ibinuga ng labi ko. kaya para hindi masayang, naisip kong gumawa ng isang simpleng blog upang hindi naman masayang ang mga ito.
sa pag-asang mayroon sa loob ng libu-libong milyong tao sa mundo ang kagaya ko. yung tipong makaka-relate, makikitawa (hahahaha), makiki-iyak, at makikitango sa bawat impormasyon na dala ng mga synapses ko at sa bawat milyang itinakbo ng aking imahinasyon.
so, para kanino? para sayo.
bilang panimulang bati, kamusta? salamat sa pagbisita... tara, yosi tayo.